
Sariwang hangin, magandang tanawin, tahimik at mapayapang paligid.
Kung nais mong makapag relax at takbuhan ang stress na iyong nararamdaman, punta na sa Playa La Caleta sa Morong, Bataan.
Paano makapunta?
Kung ninanais mong pumunta sa Playa La Caleta, maaari kang sumakay ng bus sa Cubao sa manila na papuntang Balanga sa Bataan. Kapag narating mo na ang terminal ng bus sa Balanga. Muli kang sasakay ng isa pang bus na magdadala sayo sa Bagac o sa Murong. Matapos noon, ikaw ay maaaring sumakay ng tricycle na magdadala sayo sa port ng mga bangka ng Playa La Caleta. Pagsakay mo ng bangka at pagkatapos bumyahe ng panandalian sa karagatan, maari mo ng masilayan ang ganda ng tanawin ng lugar na ito.
Paano ang pagkain dito?
Kung ikaw ay nagtitipid at iniisip ang tungkol sa pagkain, maari kang magdala ng isyong sarilimg pagkain. O di kaya, maaari kang makipag ugnayan sa Bataan Nature Adventures tungkol sa iyong tour at mga kakailanganin dito.
Ano-ano ang maaari kong gawin sa lugar na ito?
Dahil ang Playa La Caleta ay napaliligiran ng malawak na karagatan. Ang unang option na maaari mong gawin dito ay mag swimming.
Maari ka rin namang mag trekking sa napaganda at malawak na kagubatan kasama ang iyong pamilya, kabarkada, at kung sino-sino pang malalapit sa iyo.
Kung hindi ka mahilig sa pag akyat ng bundok. Maaari ka namang mag snorkeling at pagmasdan ang ganda ng ilalim ng karagatan. Alalim ang mga uri ng isa na naninirahan at bumibisita sa lugar na ito. Maaari kang magdala ng underwater camera upang makapag picture sa ilalim ng tubig at magkaroon ng mga litrato ng lugar.
Halina at punta na sa Playa La Caleta sa Bataan!! Isama na ang buong pamilya at enjoyin ang ganda ng lugar!! ^_^
MARAMING SALAMAT!!!

No comments:
Post a Comment